Tuesday, August 18, 2009

Maarte Ako (para sa kaibigan kong si Gehan)

Ang arte ko…

Minsan nag-practice kami sa isang outdoor stadium, ang daming dumi ng hayop. Ako naglinis n’on.

Ang arte ko…

Sa isang mission trip sa Mindoro, walang matutulugan, kaya sa ibabaw ng kulungan ng manok ako natulog.

Ang arte ko…

Same missions trip, may bangkito palang bakante, do’n na lang ako natulog kinabukasan.

Ang arte ko…

Kumakain ako sa kalye ng “street food” (wow, English, ang arte ko nga!!!).

Ang arte ko…

Wala akong kiyeme gumamit ng mga salitang “yuck, kadiri” para sa mga anak mayaman, mahina ang sikmura, at feeling conio.

Ang arte ko…

Nag-alaga ako ng lahat ng naunang limang pamangkin ko no'ng mga baby pa sila, lalo na 'yong pangalawa.

Ang arte ko…

Mas gusto kong mag-jeep kaysa mag taxi.

Ang arte ko…

Marunong akong mag-drive, may sasakyan kami, pero mas gusto kong mag-commute (at makisakay sa sasakyan ng may sasakyan, he he he, labyu, Dane and Ate Wendy!!!)

Ang arte ko…

Ilang buwan bago ko gupitin kuko ko sa paa. Pag ginawa ko 'yon, 'yong size 9 na paa ko lumiliit sa size 7(okay, o.a. na ito, he he he).

Ang arte ko…

Mas gusto kong naka-tsinelas kaysa naka sapatos (kaso Havaianas at Sanuk tsinelas ko, kaso ulit, bigay lang ‘yong Havs at sale 'yong Sanuk ng 50%)

Conclusion, Gehan…

'Di lang ako maarte… defensive pa!

TOINK!!! :P

6 comments: